Sa ilalim ng punong Mangga
nakaukit pa ang ala-ala
Mga sinabi mo
at sinabi ko
dumating sa punto
na ayaw ko nang maniwala
sa mga paliwanag mo
Let's get things straight
ikaw ang nang iwan
ikaw ang gustong umalis
huwag mong sabihin
na tayong manatiling kaibigan
dahil ang hirap
Wala man lang pangako para bukas
walang pangakong mapanghahawakan
walang mahanap na gamot
sa pusong nasugatan
at kahit gusto ko nang magpa-alam
May nagpipigil pa rin
dahil gusto kong pang umasa
na babalik ka sa aking piling
Kahit sabihin ko sa aking isip
sabi ng puso ko na maghintay
~ random stuff happening in my life lately and the songs I'm listening to.
~ Tagalog poem? Achievement unlocked. Hahaha!!!
No comments:
Post a Comment